We interrupt regular blogposting for this message which certainly made my day. My brother in law (BIL) shares woes of fatherhood and tells tales of the kid's progress in school.
"...Pero nakakatuwa dahil nagdevelop na sila ng study habits. Tsaka ang sarap i-witness nung progress nila. Kay Ysabel, so far so good. Ganda nung start niya kaya confident kami na okay siya sa school. Wag lang mag-boyfriend kaagad... Huwag rin lang malulong sa pagsasayaw. Saan ba kayo nakarinig ng bata na ang pangpatulog ay Don’t Cha ng Pussycat Dolls.
Si Kuya, makulit lang talaga ngayon pero nagsu-surface na yung potential niya sa Communication Arts – English at Mathematics. Nagpapakita na rin ng interest sa Science. Sa Filipino? Waaaaaaaaaaaaah!!! Toture…kaya niyang mag-spell, este mag-baybay pala. Pero pahirap kasi kada salita na babaybayin niya eh tatanungin niya kung ano yung ibig sabihin sabay kwento. "
Halimbawa:
Papa : PALENGKE
Miguel : PA-LENG-KE. Papa, what’s a palengke?
Papa : Palengke is the same as the word Market
Miguel : Can we go to the market kasi I want to buy some food?
Papa : OSO
Miguel : O-SO. Papa, what’s an oso?
Papa : OSO = BEAR
Miguel : Di ba a bear is a wild animal and it’s dangerous? Can we go to the zoo coz I want to see a bear?
Papa : UNANO
Miguel : U-NA-NO. Papa, what’s an unano?
Papa : UNANO is Filipino for a small man?
Miguel : Papa…is Tito Vic an unano? (Si Tito Vic kasamahan namin sa bahay na di katangkaran)
Papa : Shhhhhhhhhhhhh…baka marinig ka ni Tito Vic. Sabay bulong na “Yes, he is an unano”…Hehehe
No comments:
Post a Comment