Wednesday, December 19, 2007

Meron Akong Kwento

Sa halip na magbitbit ng isa pang paper bag, bukod sa dala nyang laptop bag,handbag at karton ng brownies na hindi na nakain sa dami ng taong nagreregalo ng brownies pag Pasko,naisipan ng isang magandang babae na alisin ang matalas na kutsilyong regalo sa kanya (na made in Japan, kung saan lahat ng bagay ay maganda ang kalidad, kasama na ang mga entertainers) mula sa pinaglagyan nito at isuksok na lamang ito sa laptop bag. Nagkasya ang calamansi jam from Zambales, pwede na rin isuksok ang kutsilyo doon, tama, magaling!

Kinagabihan pag-uwi sa bahay matapos ang isang mabigat na hapunan sa Som's (isang carinderia sa gilid ng Rockwell na kabilang sa Manila's Best Restaurant Secrets), may naulinigang isang malakas na iyak na nagmula sa isang...lalake. Hawak hawak ang blade edge, naiyak si lalake (na itatago natin sa pangalang L) kahit na sya ay walang sugat sapagkat

(a)ang nais nya lamang ay hiramin ang laptop at hindi maglaslas ng kamay
(b)sinung matinong tao ang makakaisip dun ilagay ang kutsilyo at
(c)bakit nakaharap sa kanya ang matalas na gilid.

Sa halip na magsorry ang babae,bumunghalit ito ng tawa sapagkat di nya napigilan ang takbo ng kanyang isip na animoy may sariling direksyon at walang pakundangan sa patutunguhan:

(a)nakalimutan na nya ang kutsilyo na sya mismo ang naglagay, at
(b)nagpasalamat sya na ang lalake ang nakakuha imbes na sya,dahil siguradong may sugat ang kamay nya sa pagdampot nito
(c) okey sana na panakot ang ganun kalaki at katalas na kutsilyo sa sinumang magtatangkang magnakaw ng laptop, kundi muna masusugatan ang may-ari sa sarili nyang katangahan

Sa huli, nasa isip isip ni babae.."nakaganti din ako."

At yun ang pinaka katawa-tawa sa lahat.

No comments: